Tuesday, December 29, 2009

KAYONG MGA ECHOSERANG KERMIT



Hays...ewan ko ba?
bakit ang daming taong palaka.
mga echoserang kermit naglipana
saan ka man mapunta...

Super duper sa kaplastikan...
beso beso kunyare,
pero sa loob pala ay isang mapagkunwari
ugaling hindi mo mawari.

Gawan mo nang mabuti at tapat
pero sa mga taong ito ay hindi sapat
pag ikaw ay kausap, ang babait nila at tapat
pero pagtalikod mo, likod mo sa saksak ay batbat.

Ang ganitong mga tao ay hindi pa nakuntento
pakitaan mo ng nang kabutihan, hindi mo pa rin matanto
ugaling asal aso, matindi pa sa tsonggo.
sa mga ganitong uri ay magiingat kayo.

Sila yun tipo na, kunyare concern sa'yo
pero wag ka, isisiwalat ang sekreto mo
ang masama pa nito ay manghihikayat ng iba pang tao
upang ang kawawang nilalang ay mapako ng todo todo.

Sayang ang turing ko sa inyo
Itinuring na tunay na mga tao.
Itinuring na tunay na kaibigan
napunta lang sa kambingan.

KAYONG MGA ECHOSERANG KERMIT
kayo ay sobrang hamit.
Tandaan nyo ito, karma ay makakamit
bahala na sa inyo ang langit.

No comments:

Post a Comment