Thursday, November 18, 2010

Mga Kalandiaan ni Zippo nitong mga nagdaan n Buwan

Naku ang tagal na rin noong last time na nag-post ako ng poem dito sa blog ko. Hindi ko alam kung anung dahilan. Tinatamad siguro o kaya naman e dahil walang magagandang pangyayari sa aking buhay. O kaya naman eh walang pangit na pangyayare sa aking buhay.

Nabisita ko na lang ang blog na ito noong hingin ng ka-trabaho ko ang blog ko. Kasi meron daw siyang babasahin doon na na-post before at noon ko lang nalaman na matagal na rin pala ang nakalipas na buwan.

Simula sa kalagitnaan ng September hanggang ngayon November 18, 2010 ay wala akong nasulat na poem. How boring my life is! So nagmuni-muni ako kung anung mga happenings ang naganap sa malanding buhay ko..

Hirap pa din ako sa pag-aadjust sa bago kong apartment. Ayos dito, ayos doon. Walis dito walis doon. Ay nakakapagod! Hindi pa rin kumpleto ang mga gamit. Wala pa rin akong refrigirator at washing machine. Sa akin ang mga ito ang una sa listahan. Mahirap magkusot ng damit at pantalon. Sobrang sakit sa likod. Tapos idagdag mo ang katotohanan na antok na antok ka na dahil ang work schedule ay laging panggabi. Callboy kasi ako(call center worker). So habang nagkukusot ay hindi ko maiwasan na antukin. Mahirap uminom ng hindi malamig na tubig. Kahit mineral water yan ay hindi ko pa rin gusto ang lasa ng tubig kapag hindi malamig. Kaya yun, tambak ang bote ng mineral water doon sa likod ng apartment ko. Sana makita na ni mamang magbobote yun. Kanya na lang lahat yun!

Noong October naman e nagbirthday ako. Yis, ang bakla ay nagbi-birthday din naman. Nadagdagan na naman ng isang taon ang buhay ko. Dito ko na realize na ang dami ko na palang blessings na natanggap sa Kanya. Health, yun current work ko ngayon, kaligtasan ng family ko laban sa masasamang loob at karamdaman. Mga bagong kaibigan. Mga materyal na bagay na nabili ko. Ang dami dami nila. Kaya sobrang grateful and thankful kay Lord sa lahat lahat. Ngayon buwan din ako nakabili ng sofa and apat na chairs. Nabili ko sila lahat sa Japan Surplus. Maganda yun sofa e kaya nangati naman ako at umiral ang pagiging impulsive buyer ko. Ewan ko ba, pag meron akong gustong bagay e kelangan mbili ko na agad. Super comfy ng sofa at super big nya. Konting linis lng ang ginawa ko kasi super maganda at wala pa talgang mark na ito ay ngamit ng todo todo maliban sa ink mark na nandun. Kahit papaano ay meron na akong gamit na naipundar-second hand lng. Bakit, wala akong pakialam! ahahahaha.

Well, ang buwan na inaabangan ng lahat ay dumating din-si November. Bkit kamo? E kasi dito kami maglilimas nang limpak limpak na salapi. Bwahahahaha. Sa buwang ito ibinibigay ang aming 13th month pay ksabay ng Nov. 15 payroll. Sa totoo lang, ang APC na ang pinakagalanteng kumpnya na-pagwork-an ko. In house call center kami kaya okay n okay ang sweldo ang benefits. Walang say ang mga BPO sa Makati at Alabang. Hahahahaha. Nakabili ako ng electric stove and rice cooker. So ngayon win n win ang bakla sa pagluluto sa bagong apartment. Masarap kaya ang lutong bahay. Well hindi ko alam kung msarap ang luto ko, pero need ko kainin yun kasi ako ang nagluto. bwahahahaha. Ang gulo noh?

Sa darating ng buwan-December ay meron na naman kaming inaasahan ng SL/VL conversion. Atik na naman ito. Ilang lalake na naman ang makikinabang sa akin. bwahahahaha. Sana sa pasko or before dumating ang pasko eh meron na talaga akong someone. Someone who does not want my body(ewww! meron?).Someone who does not want my money(wala naman). Who would love me just as I am. No requirements imposed. No pretentions. Just pure love..love..love.

Hay naku aiku, sobrang malandi lng talga ang life ko. Uy for the record ngayon lng ako nag-sulat sa ganitong paraan ah. Ilan brain cells ang namaga at nag rapture sa pag-iisip ko ng mga salitang ilalapat dito sa story na ito. Ilang rolyo ng tissue ang naubos ko sa kapupunas ng dugo sa ilong, tenga ko ah.

O cya, sana maging habit ko na talga ang magsulat dito s blog ko. Yun parang daily journal ba ang kalalabasan(ay parang bastos pag ako ang nagsbi ng word na lalabasan) hahahahaha.

Adios!

No comments:

Post a Comment